Historic Summit: ‘Expanded’ bilateral meeting nina Trump, Kim nagsimula na

     2 months ago
12
Leave a Comment
9 SHARE

Magiliw na binati nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un ang isa’t isa sa kanilang pagkikita sa Capella Singapore para sa isang makasaysayan at sinasabing “unprecedented” summit.

Nakipagkamayan ang dalawa, na sinasabi ng karamihan ay hudyat na rin ng pagbubukas ng North Korea ng kanilang bansa sa anumang pagbabago matapos ang ilang dekadang pagiging isolated sa mundo.

Matapos na mapaglitrato, magkakaroon ng one-on-one discussion ang dalawa kasama ang ilan sa kanilang translators.

Habang patungo sa loob ng summit site sa naturang hotel, makikitang ngumingiti ang dalawa sa isa’t isa habang nag-uusap.

Bago magsimula ang naturang one-on-one discussion, sinabi ni Trump na kampante siya na magiging “tremendous success” ang pagpupulong nila Kim.

Hindi rin daw siya nagdududa na magkakaroon sila ng “tremendous relationship” ng lider ng North Korea.

Samantala, aminado naman si Kim jong una na hindi naging madali ang kanilang pinag-daanan bago ang pinaka-inaabangang summit.

Naging hamon daw dito para sa kanila ang aniya’y “old prejudices and practices” sa nakaraanan, subalit kanilang napagtagumpayan daw ang mga ito dahilan para humantong sila sa pakikipagpulong sa lider naman ng Estados Unidos.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpupulong, dumaan ang dalawa sa hallway ng Capella Hotel at kumaway pa sa mga kawani ng media bago lumipat sa kabilang meeting room para sa kanilang expanded bilateral meeting.

Sa naturang pagpupulong, sinabi ni Trump na nais niyang makatrabaho si Kim.

Sumang-ayon din si Trump kay Kim nang sabihin ng lider ng North Korea na magiging “successful” ang kanilang pagpupulong ngayong araw.

Sa nasabing bilateral meeting, katabi ni Trump sina Secretary of State Mike Pompeo, national security adviser John Bolton, White House chief of staff John Kelly at isang interpreter.

Kasama naman ni Kim ang kanyang advisers kabilang na si Kim Yong Chol na una nang bumisita kay Trump sa White House dala ang sulat mula sa North Korean dictator.

Kasama rin sa Pyongyang delegation sa Ri Yong Ho, Foreign Ministerng North Korea, at Ri Su Yong, ang Vice-Chairman ng Central Committee ng Worker’s Party of Korea.

Hindi naman nakita sa meeting roon ang kapatid ng North Korean leader na si Kim Yo Jong.

Pagsapit ng tanghali ay ang working lunch kung saan sasali na rin sina Press Secretary Sarah Sanders; National Security Council Senior Director for Asia Matt Pottinger; at Sung Kim na siyang U.S. ambassador to the Philippines.

Source link

Post Comments