Holdaper, arestado sa QC | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Naaresto ng mga pulis ang isang holdaper sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Mark Reyes, 24 anyos na kasalukuyang residente ng Limay, Bataan.

Dalawa ang nabiktima ng suspek sa magkahiwalay na insidente ng panghoholdap sa ESDA cor. Nia Road.

Nakuha ng suspek sa kanyang unang biktima ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P5,000, wallet na naglalaman ng P2,000 pisong cash, BPI at BDO ATM cards habang cellphone din at perang nagkakahalaga ng P2,350 ang nakuha sa ikalawang biktima.

Nanakot sa pamamagitan ng pagtutok ng kutsilyo si Reyes at hinipuan pa sa maselang bahagi ang kanyang ikalawang biktima.

Nagawang makatakas ng unang biktima dahilan para makahingi ito ng tulong sa mga pulis.

Bumalik sa lugar na pinangyarihan ng insidente ng panghoholdap ang unang biktima at ang mga pulis kung saan nahuli ang suspek.

Narekober pa ang mga hinoldap ni Reyes at naibalik pa sa ikalawang biktima ang mga nakuha rito habang personal ding itinuro ang suspek na siyang nangholdap sa kanya,

Mahaharap sa kaso ng dalawang bilang ng Robbery Hold Up si Reyes na kasalukuyan nang nasa himpilan ng mga pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments