Holdupper arestado sa Makati City

     6 months ago
15
Leave a Comment
3 SHARE

Kalaboso ngayon ang isang lalaki na suspek sa panghoholdup sa Barangay Palanan, Makati City.

Kinilala ang suspek na si Eman Perez, 36 na taong gulang at residente ng Pasay City.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagsasagawa ng Oplan Sita ang ilan sa kanilang mga pulis nang lumapit sa kanila ang tatlong indibidwal at idinulog ang panghoholdup sa kanila ni Perez.

Kwento ng mga biktima, sakay sila ng jeep na byaheng Pasay nang sumakay ang suspek at tutukan sila ng patalim. Tinangay mula sa mga biktima ang kanilang mga cellphone.

Agad na nagsagawa ng followup operation ang mga elemento ng Makati City Police na nagresulta sa pagkakaaresto ni Perez.

Nabawi naman mula sa suspek ang mga cellphone. Mahaharap si Perez sa kasong robbery-holdup at illegal possession of bladed weapon.

Source link

3 SHARE

Post Comments