Hollywood actor na si David Hasselhoff muling ikinasal

     1 month ago
18
Leave a Comment
5 SHARE

Muling nagpakasal ang Hollywood actor na si David Hasselhoff.

Kinumpirma ngayong Martes ng kanyang publicist ang pagpapakasal ng 66-year old na aktor sa girlfriend/model na si Hayley Roberts.

Naganap ang simpleng seremonya sa Italy na dinaluhan ng mga kaibigan at miyembro ng kanilang pamilya.

Taong 2016 nang magkakilala sina Hasselhoff at Roberts.

Nagsisilbing judge sa “Britain’s Got Talent” ang Knight Rider at Baywatch actor nang lapitan siya ni Roberts para hingan ng autograph.

Pero sinabihan nito ang model na ibibigay lamang ang kanyang pirma kung ibibigay din nito ang kanyang phone number.

Si Hasselhoff ay may dalawang anak sa dati nitong misis na si Pamela Bach.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

5 SHARE

Post Comments