Hollywood actor Stephen Baldwin, nag-courtesy call kay Pang. Duterte

     1 month ago
38
Leave a Comment
24 SHARE

Nag-courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Hollywood actor at film producer na si Stephen Baldwin sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nasa bansa si Baldwin para magsimula sa kanyang shooting sa pelikulang “Kaibigan” kung saan tinatalakay ang kampanya kontra sa ilegal na droga sa Pilipinas.

Pinuri ni Baldwin ang pangulo kaugnay sa istilo ng pamumuno nito.

Kasama rin sa pagpupulong sina Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson na gaganap sa pelikula bilang isang reporter at Special Assistant to the President Christopher Bong Go na gaganap naman na isang coach at si dating Tourism Promotions Board Chief Cesar Montano.

Ayon naman sa pangulo, tinututupad lang niya ang kanyang pangako noong panahion ng kampanya na tutugunan ang problema sa ilegal na droga, kriminalidad at iba pa.

Ayon pa sa pangulo, welcome naman sa bansa si Baldwin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

24 SHARE

Post Comments