‘House to house, building to building’ pag-inspeksyon sa Boracay – Cimatu

     5 months ago
19
Leave a Comment
4 SHARE

CEBU CITY – Iisa-isahin ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga bahay at establisyimento sa Boracay upang mapanagot umano ang mga may sala sa polusyon sa tubig ng isla.

Ito ang tiniyak ni Environment Sec. Roy Cimatu sa kanyang speech sa ginaganap na 2nd Philippine Environment Summit sa Cebu City.

Ani ng kalihim, nasa 12 grupo ang ipakakalat ng tanggapan sa Boracay para isagawa ang inspeksyon at tutukuyin kung sino ang mga lumalabag sa Clean Water Act.

“Our people (DENR) from various regional offices had been deployed to Boracay to augment our region 6 (Western Visayas) office there. And another group from all regions over the country (including our office in Cebu) will be going there this Thursday (February 22) numbering of more than 100 personnel,” ani Sec. Cimatu. “They will conduct thorough sweep of establishments in Boracay. Inspect these (establishments) and determine any illegal discharge of waste of water into the sea.”

Environment Sec. Roy Cimatu

Batay sa pagtala ng tanggapan nasa 2,600 ang bilang ng lahat ng establisyemento sa Boracay at 834 mula rito ang natukoy na nagtatapon ng kanilang mga water waste sa dagat.

Nasa 118 naman ang mayroong permit to discharge water waste, 36 ang parehong bigo nang makapag-renew ng kanilang discharge permits at pinatawan ng notice of violation.

Una nang nagbanta ang Pangulong Duterte na kanyang ipapasara ang Boracay kung hindi magawan na masulusyunan ang problema sa loob ng anim na buwan.

Habang dalawang buwan naman ang ultimatum ni Cimatu sa mga establisyemento na hindi pa nakakapagkonekta ng  kanilang mga palikuran at daanan ng dumi sa sewage system.

Source link

Post Comments