‘Hustisya muna kay Demafelis bago i-lift ang total deployment ban sa Kuwait’ – DOLE

     2 months ago
13
Leave a Comment
0 SHARE

Nilinaw ngayon ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na hindi pa tatanggalin ng bansa ang total deployment ban sa Kuwait sa kabila ng pagkakahuli sa dalawang suspek na umano’y pumatay kay Joanna Demafelis.

Ayon kay Bello, nais kasi ng Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan muna ng hustisya ang pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) bago pag-usapan ang isyu na i-lift na ang deployment ban.

Tututukan din umano ng pamahalaan ang pag-usad ng kaso ng dalawang suspek kung may paglilitis na isasagawa ang bansang Kuwait.

Kasabay nito, ipinag-utos na rin umano ni Duterte na arestuhin ang recruiter ni Demafelis para maimbestigahan.

Maalang naaresto na ang dalawang employer ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf, Lebanese national at asawang si Mona Hassoun na isang Syrian.

Sa nakalap na impormasyon ni Sec. Bello, sinabi nito na itinuturo raw ni Assaf ang kanyang asawang si Mona na siyang nang-torture kay Demafelis bago ilagay sa freezer.

Source link

Post Comments