Iba pang smuggled luxury cars, sisirain sa Marso – CEZA head

     6 months ago
23
Leave a Comment
4 SHARE

Naghahanda na ang Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) ng panibagong aktibidad para sa pagsira ng iba pang luxury vehicles na kanilang naharang.

Sinabi sa Bombo Radyo ni CEZA Administrator Raul Lambino na target nilang gawin ito sa kalagitnaan ng Marso.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang mangunguna sa aktibidad ng pagsira sa mga sasakyan.

“Inaayos po nating maisagawa ang pagsira sa iba pang smuggled luxury vehicles sa Marso. Hinihintay lang natin ang schedule ng pangulo para siya mismo ang manguna sa aktibidad,” wika ni Lambino sa panayam ng Bombo Radyo.

Dumipensa rin ang pinuno ng CEZA sa mga kritiko na nagsasabing dapat pagkakitaan na lang at isalang sa auction ang mga mamahaling sasakyan.

Sinabi ni Lambino na ang mga smuggler din ang sumasali sa bidding, kaya inalis na nila ang ganitong option, upang hindi mapaikutan pa ang ating batas.

Source link

Post Comments