‘ICC dev’t sa ‘war on drugs,’ hakbang para sa human rights’ – Trillanes

     2 months ago
17
Leave a Comment
5 SHARE

Ikinagalak ng kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Sen. Antonio Trillanes IV ang pag-usad ng kanilang reklamo ukol sa war on drugs ng Philippine government sa International Criminal Court (ICC).

Una rito, umusad na ang preliminary examination ng ICC ukol sa nasabing kaso.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng senador na hakbang ito para sa unti-unting pagkamit ng hustisya ng mga pamilyang biktima ng human rights violations.

“I welcome the ICC’s decision to conduct preliminary examination on Duterte’s crimes against humanity. This development should jolt Duterte into realizing that he is not above the law. More importantly, this is the first step for the victims’ families’ quest for justice,” wika ni Trillanes.

Ang mambabatas ay kasalukuyang nasa labas ng bansa para sa ilang aktibidad na kailangan nitong daluhan.

Samantala, sa panig naman ng Malacanang, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa maituturing na tagumpay para kay Trillanes ang development na ito dahil umusad pa lang naman ang preliminary examination.

Source link

Post Comments