Ilan pang OFW mula Kuwait, nakatakdang dumating sa bansa ngayong araw

     2 months ago
18
Leave a Comment
9 SHARE

Nakatakdang dumating ang ilan pang napauwing overseas Filipino workers mula sa Kuwait sa bansa ngayong araw ng Linggo.

Hindi naman na sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administrator Arnel Ignacio ang oras ng dating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at bilang ng mga ito.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay bahagi ng ibinigay na amnestiya ng Kuwait government matapos suspindehin ng pamahalaan ang pagpapadala ng mga OFW dahil sa dami ng mga insidente ng pang-aabuso sa mga Pilipino.

Maliban dito, may karagdagan pa aniyang 300 na OFW ang mapapauwi mula sa naturang bansa.

Samantala, bibigyan naman ng tulong ng mga opisyal ng OWWA ang mga OFW sa pagproseso ng kanilang dokumento at makabalik sa kani-kanilang probinsya.

Source link

9 SHARE

Post Comments