Ilang Aegis Juris Fraternity members, hinikayat na magsalita na sa pagkamatay ni Atio Castillo

     7 months ago
37
Leave a Comment
0 SHARE

Hinikayat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang iba pang miyembero ng Aegis Juris Fraternity na may alam sa kinahinatnan ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Aguirre, oras na para hugasan ang kanilang kamay sa pamamagitan ng paglalabas ng katotohonan at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng UST freshman Law student.

Sa mga may impormasyon sa insidente, bukas aniya ang opisina ng DOJ para makipag-ugnayan.

Maaari aniyang tumawag o dumulog sa opisina sa numerong 0995-442-9241.

Samantala, matatandaang sumuko sa pulisya ang prime suspect na si John Paul Solano noong Biyernes.

Source link

0 SHARE

Post Comments