Ilang brgy officials hugas kamay sa problema sa Boracay, ipinasa sa LGU-Malay

     2 months ago
11
Leave a Comment
4 SHARE

KALIBO, Aklan – Kampante ang ilang barangay officials sa isla ng Boracay na hindi kakasuhan ng Department of Interior and Local Government (DILG) dahil sa environmental problem sa isla.

Ayon kay Punong Barangay Lilibeth Sacapano ng Brgy. Balabag, Boracay, ang Local Government Unit (LGU) Malay lamang ang may hurisdiksiyon sa pag-isyu ng kaukulang dokumento para sa mga establisyementong ipapatayo sa isla.

Subalit naging problema aniya ang kawalan ng monitoring sa mga pinapatayong commercial establishment na itinayo sa ipinagbabawal na area.

Sang ayon din ito na magsagawa ng sariling imbestigasyon ang DILG upang maparusahan ang mapatunayang may kapabayaan.

Samantala, itinuturing ni Sacapano na “welcome development” ang isinasagawang pagsisilbi ng Notice of Violation (NOV) sa mga violators sa isla.

Ituring na lamang umano ito na positibo ang pangyayari kaya dapat  iwasan na ang magsisihan.

Sa halip aniya magtulungan na lamang upang maayos ang problema sa isla partikular na ang isyu sa sewerage system, timberland at paglabag sa 25+5 easement sa Boracay.

Source link

Post Comments