Ilang DoH officials kinasuhan sa Office of the President ukol sa Dengvaxia

     6 months ago
21
Leave a Comment
9 SHARE

Naghain ng kasong administratibo ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at Vanguard of the Philippines Constitution sa Office of the President (OP) laban sa mga opisyal ng Department of Health (DoH) na may kinalaman sa implementasyon ng dengue vaccine na Dengvaxia.

Kabilang sa isinampang kaso ng grupo ang grave misconduct at gross negligence laban sa 13  mga opisyal ng DoH na umano’y nag-apruba at nagpatupad ng kontrobersyal na vaccination program.

Kasama sa mga kinasuhan sina Usec. Carol Tanio; Usec. Gerardo Bayugo; Usec. Lilibeth David; Usec. Mario Villaverde; Asec. Lyndon Lee-Suy; Asec. Nestor Santiago; dating Director Laureano Cruz; Director Joyce Ducusin; Director Mar Wynn Bello; Director Leonila Gorgolon; Director Rio Magpantay; Ariel Valencia at Director Julius Lecciones.

Iginiit ng grupo na dapat umanong matanggal sa pwesto ang mga nasabing opisyal.

Inihayag ni Atty. Glenn Chong, abogado ng VACC, kaduda-duda ang pag-apruba sa nasabing malawakang vaccination project na inabot lang ng mahigit apat na buwan bago maaprubahan.

Dapat aniya ay tinapos muna ang limang taon na siyang karaniwang panahon para sa pagsasagawa ng clinical trials sa mga bagong bakuna.

Source link

Post Comments