Ilang flights kanselado na ngayong araw dahil sa sama ng panahon

     2 months ago
9
Leave a Comment
5 SHARE

Kanselado na ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Basyang.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng PAL Express na flight 2P 2967 Manila – Butuan at 2P 2968 Butuan – Manila.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan ngayon sa Butuan.

Ayon sa MIAA, maaring makipag-ugnayan ang mga pasahero sa airline company para sa rebooking ng flight o refund ng pamasahe.

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments