Ilang grupo sinisi ni Garin na nakikisakay sa isyu ng Dengvaxia vaccine

     6 months ago
28
Leave a Comment
14 SHARE

Mayroon umanong ilang grupo na mga nagsusulsol o nanggagatong sa mga magulang ng mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia kaya humantong sa pagsugod sa kanya kahapon sa pagdinig ng Kamara.

Ayon kay dating Health Sec. Janette Garin, nakalulungkot na umano dahil humantong na sa sakitan ang isyu.

Paliwanag ni Garin, bagaman naunawaan nito ang mga magulang na nasaktan dahil nawalan ng anak ay mas masakit umano na nabibiktima ulit ang mga magulang ng mga grupo na nanggagatong sa kanila.

Maliban pa dito, mas masakit umanong makita ang bigat ng epekto nito sa Department of Health, sa public health at sa mga doktor sa relasyon nila sa mga pasyente.

Sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ay inaasahang haharap sina Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta at ang kanyang forensic team.

Ang PAO ang nasa likod ng otopsiya sa ilang mga kabataan na sinasabing namatay makaraang mabakunahan ng Dengvaxia.

Source link

14 SHARE

Post Comments