Ilang ‘land owners’ sa Marawi, nagsasamantala sa rehab – TF Bangon Marawi

     1 hour ago
2
Leave a Comment
0 SHARE

Naghigpit ngayon ang Task Force Bangon Marawi sa paghahanap ng mga lupang bibilhin ng gobyerno sa Marawi City para sa itatayong bahay ng mga evacuees o mga na-displace dahil sa nagdaang giyera sa ISIS-Maute terror group.

Una rito ay nadiskubre ng task force ang ilang tinatawag na “speculative activities” sa siyudad kabilang dito ang pananamantala ng ilang land owners na nag-aalok ng lupa sa sobrang tinaasang presyo.

Sinabi ni Undersecretary Adoracion Navarro ng regional development office ng NEDA, mula sa orihinal na P500 kada metro kwadrado, may ilang may-ari ng lupa ang nagpipresyo umano ng P5,000 kada metro kwadrado.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Usec. Navarro na hindi naman malawakan ang ganitong raket ng ilang may-ari ng lupa.

Mahigpit umano nilang binabantayan ang ganitong mga aktibidad at hindi papayagan ng gobyerno na magpatuloy.

Source link

Post Comments