Ilang pampasaherong jeep, nasampulan sa “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign sa Sta. Rosa, Laguna

     2 months ago
13
Leave a Comment
3 SHARE

Nagsagawa ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” campaign ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) sa Sta. Rosa, Laguna.

Ininspeksyon ng mga tauhan ng I-ACT ang mga pampasaherong jeep at iba pang pampublikong sasakyan na bumibiyahe.

Kabilang sa mga nasita ang mga jeep na nagbubuga ng maitim na usok.

Hindi rin nakaligtas ang mga motorcycle riders na hindi sumusunod sa batas trapiko gaya ng simpleng pagsusuot ng helmet.

Bilang tulong sa mga pasaherong naapektuhan ng operasyon, nagtalaga ang I-ACT ng mga bus at military trucks para magbigay ng libreng sakay.

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments