Ilang pampasaherong jeep sa Marcos Highway, tinarget sa “Tanggal Bulok, Tangal Usok” campaign ng I-ACT

     6 months ago
25
Leave a Comment
9 SHARE

Nagsagawa ng “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” operation ang Inter-Agency Council on Traffic sa kahabaan ng Marcos Highway.

Tinarget ng operasyon ang mga pampasaherong jeep na bumibiyahe patungong Antipolo at iba pang bayan sa Rizal.

Kasama ring nasita ang iba pang pampublikong sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok.

At dahil maraming pampasaherong jeep ang napara, naapektuhan maging ang mga pasahero sa lugar.

Upang maasistihan, nag-deploy ang I-ACT ng mga military truck na nagsakay sa mga pasahero at naghatid sa kanila patungo sa destinasyon.

 

 

 

 

 

 

Source link

9 SHARE

Post Comments