Ina ng consignee sa P6.4-B shabu shipment kabado sa seguridad ng anak; lagda, pineke ni Taguba?

     2 months ago
62
Leave a Comment
12 SHARE

ILOILO CITY – Nangagamba ang pamilya ng consignee sa P6.4 billion na shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) na si Eirene Mae Tatad, para sa kanyang seguridad.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nedy Agustino Tatad, ina ni Eireen Mae, sinabi nito na matinding nerbyos ang kaniyang nararamdaman tuwing haharap sa pagdinig ng Senado ang kanyang anak.

Dahil sa pagiging consignee daw ng kanyang anak, nalagay sa panganib ang buhay ni Eirene Mae.

Nilinaw naman ng ina na hindi marangya ang pamumuhay ng kanyang anak kahit na consignee ito sa milyun-milyong shabu shipment.

Iginiit ng ginang na ginamit lang ang lagda ng kanyang anak upang makalusot ang iligal na droga sa BoC.

Ayon kay Mrs. Tatad, pineke ng broker na si Mark Taguba ang pirma ng kanyang anak at ginamit nang walang pahintulot.

Isang buwan pa lang aniya na na-accredit si Tatad bilang consignee o tagatanggap ng shipment kung saan kompleto rin daw ang mga papeles nito kasama na ang registration sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Source link

Post Comments