INC leader Eduardo Manalo, itinalaga ni Duterte bilang special envoy on OFW Concerns

     7 months ago
69
Leave a Comment
11 SHARE

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Iglesia Ni Cristo (INC) Executive Minister Eduardo Villanueva Manalo bilang special envoy for OFWs concerns.

Ang appointment ni Manalo, 62, ay epektibo mula Enero 30 ngayong 2018 hanggang Enero 29 ng 2019.

Pirmado ni Pangulong Duterte ang appointment paper kahapon, Pebrero 13.

Kung maaalala si Ka Eduardo o Brother Eduardo ay ang panganay na anak ng namayapang si Eraño G. Manalo.

Siya ang itinuturing na third generation ng Manalo family para pamunuan ang INC matapos ang kanyang ama at lolo na si Felix Y. Manalo.

Dati na ring humawak si Eduardo ng puwesto bilang deputy executive minister, coordinator of Metro Manila districts at assistant dean ng Evangelical College (EVCO).  Ang dating pangalan ng New Era University-College of Evangelical Ministry na ngayon ay Iglesia Ni Cristo School For Ministers.  Dito rin siya kumuha ng ministerial studies.

Nagtapos ng high school si Manalo sa Jose Abad Santos Memorial School sa Quezon City.

Habang sa kolehiyo ay sa University of the Philippines-Diliman kung saan kumuha siya ng kurso sa Bachelor of Arts in Philosophy at nag-graduate noong 1978.

Samantala, inanunsiyo rin naman ng Malacanang ang pagtalaga ni Pangulong Duterte kay Herman Billones Jumilla bilang undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Si Jumilla ang kapalit ni Gertrudo de Leon na una nang sinibak sa pwesto ni Pangulong Duterte dahil sa isyu ng katiwalian.

Mahigit 20 pang personalidad ang itinalaga sa pwesto ng Pangulo sa Department of Interior and Local Government (DILG) bilang mga director at operations officers, habang may 16 naman ang mga bagong government prosecutors.

Source link

Post Comments