Intern’l Labor Organization ‘very upset’ din sa nangyari kay Joanna sa Kuwait

     7 months ago
23
Leave a Comment
4 SHARE

Pinag-uusapan na rin ngayon sa iba’t ibang dako ng mundo ang kaso ng Pinay overseas worker na si Joanna Demafelis na natagpuan ang bangkay na nakasalid sa freezer sa Kuwait.

Pinukaw na rin ngayon ang atensyon ng international press, at maging ang International Labour Organization (ILO) ay nagsalita na rin ukol dito.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Claire Hobden, Technical Working Officer for Conditions of Work and Equality ng ILO, ang pagkadismaya ng kanilang hanay sa naturang insidente.

“Obviously we we’re very upset to hear about the situation. For us it is a problem that is culpable in nature that has to do very much with the fact that domestic workers are working behind close doors,” ani Hobden.  “It’s very difficult for public authorities to identify cases and abuse like this.”

Binigyang pansin din ni Hobden ang hakbang ngayon ng pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na masigurong may proteksyon ang mga overseas Filipino workers, kung saan tingin din ng eksperto ay makakatulong sa inisyatibo ng kanilang hanay kaugnay din sa usapin ng karapatan ng mga migrant workers.

“I think that there’s going to be a need in the future, (you know) to continue the work that we’ve been working on so far which is really make households understand that domestic workers valuable work; that domestic workers are actual workers, they deserve dignity and respect in the work place.”

Ang ILO ay ahensiya sa ilalim ng United Nations na tumutugon sa mga problema ng international labour standards, at iba pang usapin ukol sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Source link

Post Comments