Ipinuslit na pera sa bansa pag-aari ni Quiboloy

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Lumabas sa indictment ng United States Federal Grand Jury na pag-aari pala ni Apollo Quiboloy ang daanlibong dolyar na sinubukang ipuslit patungong Pilipinas ni Felina Salinas.

Pebrero ng kasalukuyang taon nang sakay si Salinas ng isang private jet at kanyang subukan na ipasok sa bansa ang undeclared USD 335,000 at AUD 9,000.

Si Salinas ay Hawaiian representative ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name na binuo naman ni Quiboloy sa Davao City noong 1985.

Batay sa indictment, kakasuan si Salinas dahil sa kanyang pagtulong kay Quiboloy na ipasok ang kanyang pera sa bansa nang walang pahintulot.

Ayon pa sa indictment, napag-alamang ginawa iyon ni Salinas upang makaiwas si Quiboloy sa anumang kaso at pagkakaaresto.

Maituturing na mega-church ang Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name dahil sa kanilang milyong mga followers sa buong mundo at pagkakaroon ng sariling global television channel, 17 radio stations, at dalawang pahayagan.

Samantala, si Quiboloy ay malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsimula pa noong ito ay nanunungkulan sa Davao City bilang alkalde.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments