Isa pang kidnap victim na kasama sa dinukot na 2 babaeng pulis, na-rescue

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

ZAMBOANGA CITY – Matagumpay na nakuha sa rescue operation ng militar ang isa pang lalaking kidnap victim na kasamang dinukot ng dalawang babaeng pulis sa lalawigan ng Sulu.

Iniulat ni Joint Task Force Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana na ang naisalbang biktima na si Jackosalim Blas Ahamad ay nakuha ng tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT-3) sa pangunguna ni Lt. Col. Ramil Holgado sa may Sitio Budjang, Barangay Libog Kabao, Panglima Estino, Sulu dakong alas-2:00 ng hapon.

Kinumpirma na rin ng opisyal ang naiulat na paglaya noong nakaraang araw ng isa pang lalaking bihag na si Faizal Ahidji na pinalaya ng mga kidnapper sa may Sitio Daang Puti, Barangay Bangkal, Patikul,

Si Blas ay ang driver ng tricycle kung saan nakasakay ang pulis na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad na nakabase sa Police Regional Office (PRO-9) at ang isa pang pinalayang biktima nang dukutin sila ng mga bandido noong ika-29 ng Abril sa Barangay Liang, Patikul.

Ayon kay Sobejana, malaki umano naitulong sa kanilang rescue operation ang mga nakuha nilang impormasyon mula kay Ahidji na nagresulta upang matunton nila ang pinagtaguan ng kasama nitong si Blas.

Nasa kustodiya na ngayon ng Joint Task Force Sulu ang biktima at isinailalim kaagad sa medical check up at custodial debriefing.

Sinabi ni Sobejana na nagpapatuloy ang kanilang rescue operation sa natitita pang dalawang babaeng pulis at sa iba pang mga bihag na matagal na ring hawak ng Abu Sayyaf sa Sulu.

“Efforts to rescue the remaining kidnap victims shall continue. With the support of the local government units, the religious leaders, the Sultanate of Sulu, other stakeholders and the community as a whole, we may be able to safely rescue the remaining KVs from the hands of the Abu Sayyaf,” pahayag pa ni Sobejana.

Source link

0 SHARE

Post Comments