Isa pang suspek sa pagpatay sa OFW na si Joanna Demafelis, nahuli na sa Syria – DFA

     6 months ago
35
Leave a Comment
16 SHARE

Mismong ang Department of Foreign Affairs ang nagkumpirma na naaresto na rin ang isa pa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa overseas Filipino worker na si Joanna Demafelis.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, hawak na umano ng mga Syrian authorities si Mona Hassoun, asawa ng Lebanese na si Nader Essam Assaf, na mga amo ni Demafelis nang nagtrabaho ito sa bansang Kuwait.

“We have just been informed by the Philippine Embassy in Kuwait that Mona Hassoun, wife of Nader Essam Assaf, who are the principal suspects in the murder of our kababayan Joanna Demafelis, is now in custody of authorities in Damascus,” pahayag ni Cayetano.

Tiniyak din ni Cayetano na ngayong nahuli na ang mga salarin, makakamit na umano ang hustisya sa pagkamatay ng Pinay worker.

Una rito, napasakamay na rin ng mga kinauukulan si Assaf na natunton naman sa Lebanon.

Hinuli ang dalawa matapos humiling ang Kuwaiti authorities ng tulong mula sa Interpol para malaman ang kinaroroonan ng mag-asawa.

Source link

Post Comments