Isang cargo ship, inatake ng mga armadong lalaki sa Basilan

     2 months ago
23
Leave a Comment
18 SHARE

Inatake ang isang cargo ship ng grupo ng mga armadong lalaki sa bahagi ng Sibago Island sa Basilan.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Commander Armand Balilo, agad nakaresponde ang mga tauhan ng PCG at iba pang otoridad nang magbigay-alarma ang mga crew members na sakay ng MV Kudos.

Aniya, nagsaboy ng mainit na tubig ang mga armadong lalaki para subukang akyatin ang barko.

Batay sa ulat, isa sa mga crew members ang sugatan bunsod ng nangyaring pag-atake.

Gayunman, sinabi ni Balilo na ligtas ang mga crew members ng naturang barko.

Source link

18 SHARE

Post Comments