Isang warehouse sa Pasig City, nasunog

     5 months ago
44
Leave a Comment
28 SHARE

Natupok ng apoy ang isang warehouse sa Jenny’s Avenue, sa bahagi ng Barangay Rosario, Pasig City.

Alas-7:25 ng gabi ng Martes nang magsimula ang apoy sa Rich Prime Global Inc. warehouse na pag-aari ni Myrna Tangyao.

Katabi ito ng isang warehouse ng mga sasakyan at residential area na puro informal settlers.

Makalipas ang isang oras simula nang sumiklab ang apoy ay itinaas ito sa ika-limang alarma.

Sinasabing mayroong mga nadamay din na kabahayan dahil sa sunog.

Dahil dito, pansamantala munang maninirahan ang mga apektadong residente sa malapit na covered court.

Samantala, pinatay na ang supply ng kuryente sa lugar habang patuloy na inaapula ang sunog.

Hindi pa batid ang pinagmulan ng sunog, ngunit ayon sa mga kawani ng barangay, posibleng nagsimula ito sa mga batang naglalaro ng apoy.

Source link

28 SHARE

Post Comments