Jaybee Sebastian hindi naka posas sa ospital

     2 years ago
602
Leave a Comment
0 SHARE

Ipinamahagi sa media ang mga larawan ng high-profile inmate sa New Bilibid Prisons na si Jaybee Sebastian habang ito ay naka-confine sa Medical Center Muntinlupa.

Sa nasabing larawan makikita si Sebastian na nakahiga sa hospital bed nito, naka-dextrose at naka-oxygen.

Kapansin-pansin din na hindi nakaposas si Sebastian.

Si Sebastian ay isa sa apat na preso na nasugatan sa sumiklab na riot sa Building 14 ng NBP kung saan nakakulong ang mga high-profile inmates kasama na ang tinaguriang Bilibid 19.

Sa nasabing riot ay nasawi si Tony Co, habang sugatan sina Peter Co, Vicente Sy at Clarence Dongail.

Una nang hiniling ng kampo ni Sebastian na mailipat ito sa Asian Hospital.

Pero kinakailangan pa umano ng pag-apruba ng Department of Justice (DOJ) bago mailipat sa ibang ospital si Sebastian

Source: Inquirer

Post Comments