Joe Devance ibabalik ng Ginebra para sa laban kontra Meralco

     5 months ago
28
Leave a Comment
3 SHARE

Muli na namang maghaharap ang magkatunggaling Barangay Ginebra at Meralco sa kanilang laban ngayong araw.

Ito ang unang laro ng dalawang koponan mula ng nakaraang Governor’s Cup finals.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, magiging mahirap para sa dalawang koponan ang laban ngunit kapwa naman maganda ang performance ng dalawang teams.

Aniya pa, isa na namang do-or-die game ang kanilang paghaharap.

Kaya naman ibabalik ng Ginebra si Joe Devance na nagpagaling ng kanyang paa matapos nitong sumailalim sa surgery noong nakaraang taon.

Samantala, ayon naman sa coach ng Meralco na si Norman Black, kulang ang kanilang koponan matapos magtamo ng iba’t ibang injuries sina Cliff Hodge, Jared Dillinger, at Ranidel de Ocampo. Ngunit umaasa naman siya na magstep up ang iba pang mga miyembro ng koponan para sa laro.

Sa ngayon 5-4 ang win-loss record ng Ginebra, habang 3-6 naman ang sa Meralco.

Source link

3 SHARE

Post Comments