John Lloyd at Ellen, ikinasal na nga ba?

     7 months ago
62
Leave a Comment
14 SHARE

May mga usap-usapan na ikinasal na sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna.

Naganap umano ang pag-iisang dibdib ng aktor at aktres sa Quezon City noong Febraury 15, Huwebes.

Ayon kay Noel Ferrer, talent manager at entertainment writer, mayroon siyang source na kinumpirmang naganap ang kasalang John Lloyd-Ellen.

Gayunman, agad naman dumistansya si Ferrer at sinabing ipaubaya na lamang sa magkasintahan ang pagsasapubliko kung may kasalan nga bang naganap.

Bago ang pahayag kanina ni Ferrer sa kanyang programang Level Up dito sa Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV, nag-post din ang entertainment writer at dating presidente ng Philippine Movie Press Club na si Fernan “Ms. F.” De Guzman na kasal na ang sikat na aktor at karelasyon nitong aktres, sa mismong araw na naganap umano ang kasalang John Lyod at Ellen.

Bagaman isang blind item ang post ni De Guzman, umugong sa entertainment press na ang pinatutungkulan ay ang kontrobersiyal na showbiz couple.

Si De Guzman ay host din ng isa pang showbiz oriented talk show sa Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV na Wow It’s Showbiz!

Una nang umugong ang mga spekulasyon na ikakasal sina John Lloyd at Ellen noong Enero nang isiwalat ng entertainment columnist at talk show host Lolit Sollis na pinaghahandaan nila ang isang beach wedding.

Lalo pang umingay ang umano’y kasalan ng dalawa nang mag-post si John Lloyd ng video sa Instagram kung saan naglalakad siya kasama si Ellen sa isang wedding ceremony set-up. Sa naturang video, maririnig din si Ellen na humuhuni ng “Bridal Chorus.”

 

Source link

14 SHARE

Post Comments