Justices, SC personnel kay Sereno: ‘Please resign now’

     2 months ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Kasunod ng panawagan ng karamihan sa mga mahistrado, pinagre-resign na rin ng mga concerned officials at personnel ng Supreme Court (SC) si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa pinaiikot na tatlong pahinang open letter para ipanawagan ang pagbibitiw ni Sereno, sapat na umanong batayan para mag-resign si Sereno ang mga isinagawang imbestigasyon sa Kamara kaugnay ng hindi nito pagsusumite ng Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).

Kabilang din dito ang umano’y pagmanipula ng chief justice sa Judicial and Bar Council (JBC) at pakikialam sa trabaho ng JBC para sa kanyang pangsariling interest.

Hindi na umano mananahimik pa ang mga empleyado dahil nawalan na sila ng tiwala at kumpiyansa kay Sereno.

Kasabay nito, nagpasalamat ang mga ito kay Atty. Larry Gadon na umano’y mag-isang matapang na lumantad para isiwalat ang mga kamalian na nagaganap sa Korte Suprema.

Nanawagan ang mga empleyado ng Korte Suprema kay Gadon na huwag na niyang ituloy ang pagsasampa ng kaso sa mga dawit na opisyal ng SC dahil sumusunod lamang umano ang mga ito sa utos ng punong mahistrado.

Kabilang sa mga posibleng sampahan ng kaso sina Deputy Court Administrator Raul Villanueva; retiradong Deputy Court Administrator na si Thelma Bahia, Atty. Anna-Li Papa-Gombio, Deputy Clerk of Court en banc; Atty. Corazon Ferrer-Flores, Chief, Fiscal Management and Budget Office ar Maria Carina Cunanan, Assistant Chief, Office of Administrative Services.

Sa huli nanawagan ang mga empleyado na magbitiw na ngayon si Sereno para mailigtas ang SC sa kahihiyan.

Sa panig ni Sereno, sinabi ni Atty. Jojo Lacanilao isa sa mga tagapagsalita ng punong mahistrado, na magli-leave raw ang chief justice para paghandaan ang impeachment trial sa Senado.

Maalalang sa isinagawang en banc session kanina ay hiniling umano ng karamihan sa mga mahistrado na mag-resign o mag-indefinite leave muna si Sereno.

Source link

0 SHARE

Post Comments