Kakapusan ng tubig gaya ng sa Africa, hindi mangyayari sa Pilipinas ayon sa MWSS

     3 months ago
26
Leave a Comment
3 SHARE

Tiniyak ngayon ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na hindi mangyayari sa Pilipinas ang nangyari sa bansang Africa na may kakulangan ng supply ng tubig.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Velasco na mayroong sapat na tubig ang bansa pero inamin nito na kailangan ang treatment plan dahil problema ng bansa ang pagkakaroon ng malinis na tubig.

Paliwanag ni Velasco, ang Chinese Contractor ang nanalo sa bidding para sa water treatment kung saan 10 bilyon piso ang pondo na ilalaan ng China at ang natitira ay babalikatin naman ng Manila Water at Maynilad.

Aminado ang opisyal na mayroon pagkaantala ang kanilang proyekto dahil sa bidding, pero ipinaubaya na nila sa mga kontraktor kung ano ang kanilang gagawin at bahala na ang MWSS dahil tinututukan naman ng Office of the President ang naturang proyekto.

Pinayuhan naman ni Manila Water Chief Operating Officer Ding Carpio ang mga consumers na gamitin ang tubig ng tama at huwag mag-aksya na ang tubig.

Dagdag pa ni Carpio, dahil sa global warming ay dapat na talagang maghanap ng ibang sources o pagkukunan ng tubig maliban sa ulan.

Giit naman ni Maynila Water Chief Operating Officer Randy Estrallado, may problema tungkol sa nakawan ng tubig kaya ginagawa na nila ng kaukulang hakbang kung papaano ito matutugunan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments