Kamara naghahanda sa pagpupulong ukol sa ibababang ruling ng SC vs Sereno

     3 months ago
39
Leave a Comment
3 SHARE

Ipagpapatuloy pa rin ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang magiging botohan sa impeachment complaint na kinakaharap ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni House Justice Committee chairman Reynaldo Umali na ito ang kanilang magiging hakbang anuman ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition na isinampa kontra sa punong mahistrado.

Sinabi ni Umali na handa silang pagbotohan ang naturang usapin sa mga susunod na araw sa pagbukas muli ng sesyon ng Kongreso sa Martes, Mayo 15.

Gayunman, posibleng magkaroon daw ng constitutional crisis sa oras na magsabay ang pagtalakay ng Korte Suprema sa quo warranto petition at sa pag-usad naman kung sakali sa Senate Impeachment Court ng kinakaharap na impeachment complaint ni Sereno.

Subalit sa kabila nito, tiniyak ni Umali na gagawin nila ang kanilang makakaya para lamang hindi na humantong pa ang pagkakataon sa naturang sitwasyon.

“Posible yan, posible kaya siyempre yan ay titingnan nating maigi at pangangalagaan natin na hindi magkaroon ng constitutional crisis,” ani Umali.

Source link

Post Comments