Kamara sa BIR: ‘Imbestigahan mga kinita ni Sereno sa mga nakalipas na taon’

     2 months ago
11
Leave a Comment
6 SHARE

Inatasan nang House Justice Committee ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na alamin kung magkano ang kinita ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga nakalipas na taon at kung nagbayad ito ng tamang buwis.

Ito ay matapos na hindi umano nakapagsumite si Sereno ng kanyang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth), gayundin ang kuwestiyonableng kinita raw nito sa pagkakapanalo ng PIATCO (Philippine International Air Terminals Company Incorporated case).

Chief Justice Sereno

Binigyan ng chairman ng komite na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali si BIR deputy commissioner Atty. Arnel Guballa ng hanggang Pebrero 19 para makapagsumite sa kanila ng report ukol sa imbestigasyon na kanilang gagawin.

Inirekomenda naman ni House Justice Committee Vice Chair Ching Veloso na bumuo ang BIR ng isang team na tututok lamang sa imbestigasyon na kanilang hinihiling.

Nabatid na ayon ng kay Guballa,, nangangalap pa sila ng mga dokumento upang magsagawa ng pormal na imbestigasyon.

Source link

Post Comments