Kaso vs Ubial, iba pa hindi ‘diversionary tactic’ – Garin

     6 months ago
19
Leave a Comment
3 SHARE

ILOILO CITY – Itinanggi ni dating Health Secretary Janette Garin na nais lamang nito ilihis ang pagkakadiin sa kaniya sa kontrobersiya sa pagbili ng Dengvaxia vaccines, kaya sinampahan ng kasong libel ang mga kritiko.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, itinanggi ni Garin na diversionary tactic ang paghain niya ng libel cases laban kina dating Health Secretary Paulyn Jean Ubial, dating DoH Undersecretary Ted Herbosa, Dr. Tony Leachon at ang whistleblower na si Dr. Francis Cruz na dati ring consultant ni Ubial.

Ayon kay Garin, mas mainam nga kung isampa na ang lahat na kaso laban sa kaniya dahil ang korte naman umano ang proper venue.

Nanindigan ang dating DoH chief na malinis ang kaniyang konsiyensiya at sa huli ay tiwala umano siyang malilinis ang pangalan.

Sinabi ni Garin na ang paghahain nito ng kaso ay naglalayong turuan ng leksyon ang apat.

Hindi raw dapat isisi sa kaniya ang pagkamatay ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia lalo na at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Maliban kasi aniya sa pagsira ng mga ito sa kaniyang pagkatao, naaapektuhan na rin ang mga programa ng Department of Health dahil sa kontrobersiya sa Dengvaxia vaccines.

Source link

Post Comments