Katawang natagpuan sa isang freezer sa Kuwait, kumpirmadong Pinay OFW – Ph Ambassador

     6 months ago
51
Leave a Comment
8 SHARE

BACOLOD CITY – Kinumpirma ngayon ng Philippine Embassy sa Kuwait na isang Filipina ang natagpuang bangkay sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Bacolod kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, kinilala ang biktimang si Joanna Daniela Dimapilis.

Ang employer umano at mga suspek ay isang Lebanese na lalaki na may asawang Syrian national ngunit November 2016 pa umano nakaalis sa Kuwait ang mag-asawa.

Inalerto na rin umano ng Kuwaiti Ministry of Interior ang International Criminal Police Organization (Interpol) para ma-locate at maaresto ang mga suspek.

Ayon naman sa ulat, nadiskubre ng mga pulis ang labi habang nag-iisyu ng court order para sa eviction ng tenants sa Salmiya apartment.

Source link

Post Comments