Kerwin Espinosa, hirap na humanap ng abogado

     5 months ago
30
Leave a Comment
7 SHARE

Aminado ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa na nahihirapan na siya ngayon humanap ng abogado na dedepensa sa kaniya para sa mga kasong kaniyang kinakaharap.

Ito’y matapos mapatay ang kaniyang abogado sa Cebu noong nakaraang linggo na si Atty. Jonah John Ungab, na vice mayor din sa bayan ng Ronda.

Humarap sa kaniyang pagdinig sa Manila Regional Trial Court Branch 26 si Espinosa kahapon sa kabila ng sinasabi niyang banta sa kaniyang buhay.

Humingi ng paumanhin si Espinosa kay Judge Silvino Pampilo Jr. dahil walang dumating na abogado para sa kaniya.

Giit ni Espinosa, dahil sa mga kadahilanang panseguridad, hindi na madali para sa kaniya na makahanap ng bagong abogado.

Hindi kasi si Ungab ang unang abogado ni Espinosa na tinambangan at nasawi, dahil isa pang abogado ng kanilang pamilya na si Atty. Rogelio Bato, Jr. ang napatay din noong 2016.

Source link

7 SHARE

Post Comments