Kilo-kilong bigas nahukay ng militar sa Bukidnon

     6 months ago
137
Leave a Comment
147 SHARE

Dalawamput anim na plastic container na naglalaman ng bigas ang nahukay ng mga militar sa Sitio Pantaro sa Barangay Banlag sa Valencia City, Bukidnon.

Ayon kay 403rd Brigade commander, Brigadier General Eric Vinoya, nanggaling ang impormasyon tungkol sa mga bigas mula sa mga residente sa lugar na kinikikilan ng New People’s Army (NPA).

Ito na ang ikalawang beses na may nahukay ang mga militar na bigas na nakasilid sa loob ng plastic containers.

Ang una ay nahukay naman ng 88th Infantry Batallion sa Sitio Bulacao sa Barangay Concepcion.

67 na containers ng bigas at dalawang drum na puro pagkain ang narekober ng militar mula sa nasabing lugar.

Ayon pa kay Vinoya, nagpapatuloy ang pagsugpo ng mga militar sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Source link

147 SHARE

Post Comments