Kinakasama ng babaeng nasawi sa Mandaluyong shooting incident, kakasuhan ng homicide

     3 months ago
32
Leave a Comment
5 SHARE

 

Mahaharap sa kasong homicide si Eliseo Aluad Jr. alyas Bobot, kinakasama ni Jonalyn Amba-an na isa sa mga namatay sa naganap na Mandaluyong shooting incident ilang linggo na ang nakakaraan.

Ayon kay Senior Superintendent Florendo Quibuyen, hepe ng Special Investigation Task Group (SITG) Shaw, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na mismong si Aluad ang nakabaril kay Amba-an nang magkapalitan sila ng putok ng nakaalitan na sina Salam Abdul Majid at Abdrurakman Alfin sa Barangay Addition Hills. Aniya, sinubukan kasing patigilin ni Amba-an ang kinakasama sa pagpapaputok ngunit nakalabit nito ang gatilyo ng baril at pumutok ito sa kaliwang bahagi ng ulo ng biktima.

Ayon pa dito, nakabatay ang isasampang kaso mula sa report ng SOCO, autopsy report kay Amba-an, maging ang salaysay ng isang nangangalakal ng basura na nakakita sa insidente.

Batay aniya sa report ng Crime Lab, mayroong tatooing mark sa pisngi si Amba-an na nangangahulugang malapitan itong nabaril.

Posible naman aniya na namatay si Jomar Hayawon dahil sa pagpapa-ulan ng bala ng mga pulis at tanod sa kanilang sasakyan nang dapat ay dadalhin nila sa ospital si Amba-an.

Dahil dito, mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to frustrated homicide and double homicide ang 10 mga pulis at tatlong barangay tanod ng Addition Hills.

Kasalukuyan nang nakapiit sa detention cell ng Mandaluyong Police ang 9 na mga pulis, habang nasa restrictive custody ni Mandaluyong Police Officer-in-Charge Superintendent Enrique Agtarap ang team leader na si Senior Inspector Maria Christina Vasquez.

Source link

5 SHARE

Post Comments