Klase sa lahat ng antas sa QC sinuspinde dahil sa traffic at pagbaha

     1 month ago
10
Leave a Comment
5 SHARE

Sinuspinde na ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang klase sa lahat ng antas sa lungsod, public at private.

Ito ay makaraang makaranas ng matinding traffic sa mga lansangan sa lungsod bunsod ng pagbaha na naranasan Biyernes ng umaga.

Inilabas ang anunsyo hinggil sa suspensyon pasado alas 10:00 ng umaga na ayon sa City Government ay effective immediately.

Madaling araw pa lang ng Biyernes inuulan na ang malaking bahagi ng Metro Manila.

Ang malakas na buhos ng ulan ay nagdulot ng pagbaha sa maraming lansangan na sinundan ng halos hindi gumagalaw na daloy ng mga sasakyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

5 SHARE

Post Comments