Konsehal pinatay sa kanyang bakuran sa Abra

     1 min ago
0
Leave a Comment
0 SHARE

Bumuo na ng team ang Abra Provincial Police Office para imbestigahan at tugisin ang mag nasa likod ng pagpatay kay Lagayan, Abra Councilor Isagani Ambaoa Joson.

Si Joson ay binaril sa kanyang mismong bakuran sa Sitio Manaoais, Poblacion sa bayan ng Lagayan kagabi.

Sa report ng Abra Police Office, nakarinig umano ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay ng biktima kaya sila tumawag sa pinaka-malapit na himpilan ng pulisya.

Sa pagresponde ng mga pulis ay nakita nilang nakahandusay na ang biktimang si Joson na duguan habang hawak ang isang Cal.45 na pistola na pinaniniwalaang pag-aari ng biktima.

May tama ng bala sa likod ang opisyal na tumagos sa kanyang dibdib.

Nakarekober rin ang mga tauhan ng PNP ng ilang piraso ng bala ng Cal. 45, cellphone at ilang basyo ng hindi pa batid na kalibre ng baril.

Lumilitaw rin sa paunang imbestigasyon na walang kasama ang biktima sa kanilang compound ng maganap ang pamamaril.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Source link

0 SHARE

Post Comments