Kontrobersyal na dengue program, nahaluan nang pamumulitika – ex-Pres. Aquino

     6 months ago
27
Leave a Comment
14 SHARE

Iginiit ni dating Pangulong Benigno Aquino III na nahahaluan ng pamumulitika ang kontrobersiya tungkol sa dengue program ng pamahalaan.

Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Health, sinabi ni Aquino na dahil sa pamumulitika na ito, marami na ang tumatanggi sa iba pang bakuna na wala namang kontrobersiya.

Nangangahulugan aniya ito, na marami ang tumatanggi sa proteksyon na ibinibigay ng mga bakunang ito laban sa sakit at posible rin sa kamatayan.

Ayon kay Aquino, marahil ang pagpapalaganap ng pangambang ito ang siyang hangad ng mga namumulitika sa naturang usapin.

Gayunman, nanindigan si Aquino na dumaan sa tamang proseso ang pagbili ng kanyang administrasyon ng Dengvaxia vaccine.

Taong 2014 pa lamang aniya ay halos handa na ang bakuna at 2015 ay pinaalala sa kanila na dumaan ito sa proseso at sinuri ng wasto upang matiyak na mabisa at ligtas ang paggamit nito.

Kaugnay nito, pinasaringan ng dating punong ehekutibo ang pagpapalabas aniya ng samu’t saring indibidwal ng opinyon sa naturang usapin, kwalipikado man daw o hindi.

Source link

Post Comments