Kumpirmasyon ni DOH Sec. Duque, pinagtibay ng CA sa gitna ng Dengvaxia probe

     2 months ago
9
Leave a Comment
5 SHARE

Nakalusot na sa Commission on Appointments (CA) bilang kalihim ng Department of Health (DOH) si Francisco Duque III.

Nitong hapon, isa-isang inirekomenda sa plenaryo ng mga miyembro ng CA committee on health ang ad interim appointment ni Duque sa tanggapan, matapos ang dalawang beses na pagsalang nito sa komite.

Unang inirekomenda ni CA committee on health chairperson at Sen. Gregorio Honasan II ang kumpirmasyon ni Duque na sinegundahan ni Sen. Manny Pacquiao at iba pa.

“He is a custom fit for the post. With the current predicament the DOH is facing, the Dengvaxia to be specific, DOH really needs to address this very significant ahead on. I believe it will help do his job with more teeth, if not fangs to really address these issues surrounding the Filipino children,” ani Sen. Pacquiao.

Ayon namnan kay Sen. Migz Zubiri: “He possesses exceptional work ethic, excellent managerial skills and qualities that makes him stand out as a government leader.”

“He came back to the DOH in an uncomfortable and not so pleasant period in time. He relied at the time of Dengvaxia, but rather be infected by paranoia, panic and hysteria. He shown wisdom and grace under pressure. A true mark of a great leader,” ani naman ng Senate Committee on Health.

Ito na ang ikalawang termino ni Duque bilang kalihim ng kagawaran, matapos maupo na rin sa parehong pwesto sa ilalim ng administrasyong Arroyo.

Kung maaalala, in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque bilang Health secretary nakaraang taon, kasunod ng CA rejection kay dating Sec. Paulyn Ubial.

Hindi na bago sa larangan ng public service ang kalihim, bilang dati na rin itong opisyal sa ibang tanggapan ng pamahalaaan gaya ng pagiging chairman ng Government Services Insurance System (GSIS) at Civil Service Commission (CSC); at presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Source link

Post Comments