Kuwait gov’t sa Syria at Lebanon: ‘Ibalik mga pumatay sa Pinay worker para litisin’

     2 months ago
21
Leave a Comment
18 SHARE

ILOILO CITY – Hiniling na ng pamahalaan ng Kuwait sa Syria at Lebanon na ibalik ang mag-asawang Nader Essam Assaf at Mona Hassoun, ang itinuturong pumatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Daniela Demafelis na itinago pa sa freezer.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo, inihayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na pormal nang hiniling ng Kuwait na maibalik sa kanila ang mag-asawa upang litisin dahil sa Kuwait aniya nangyari ang krimen.

Ito’y makaraang nahuli ng Interpol ang mag-asawang Assaf at Hassoun sa Damascus, Syria.

Si Assaf ay isinuko ng Syria sa mga otoridad sa Lebanon dahil isa itong Lebanese, samantalang nananatili naman sa kustodiya ng mga otoridad sa Syria si Hassoun.

Samantala, sinabi ni Bello na isa sa mga kondisyong kanilang ibinigay sa Kuwait sa pagbawi ng deployment ban ay mawala na ang “kafala system” na ipinapatupad sa mga migrant workers.

Sa ilalim ng kafala system, kinukuha ng mga employer ang visa at passports ng kanilang mga kasambahay na sinasamantala ng mga employer upang abusuhin ang kanilang mga katulong.

Source link

Post Comments