Kuwait handa ng pumirma sa OFWs protection agreement – Bello

     6 months ago
25
Leave a Comment
8 SHARE

Hinihintay na umano ng gobyerno ng Pilipinas ang pagdating ng kinatawan ng Kuwaiti government para pag-usapan ang memorandum of agreement (MOA) para sa proteksyon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III na nagpahiwatig na ang Kuwaiti government sa pamamagitan ng kanilang ambassador na handa silang pumirma sa mabubuong kasunduan.

Ayon kay Sec. Bello, resulta ito ng pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng total deployment ban sa Kuwait kasunod ng mga naitalang pagmamaltrato sa mga Pinay domestic helpers at pagkakadiskubre sa bangkay ni Joanna Demafelis sa loob ng freezer.

Inihayag ni Bello na kabilang sa kanilang mahigpit na kinokontra ang tatlo hanggang apat na oras lamang na tulog ng mga Pinay DH, kawalan ng day-off, pagkumpiska sa kanilang pasaporte at pagkaing parang basura.

Source link

Post Comments