Kuwaiti Foreign Minister kinondena si Pres. Duterte sa OFW deployment ban

     7 months ago
45
Leave a Comment
7 SHARE

Kinondena ng Kuwaiti Minister of Foreign Affairs ang ipinataw na total deployment ban ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga overseas Filipino workers patungo sa nasabing bansa.

Ayon kay Minister Sheikh Sabah al-Khalid al-Sabah, malaki ang posibilidad na madungisan ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.

“We condemn the statements of the Philippine president, especially since we are in contact with the Philippines at the highest level to fully explain the state of the Filipino workforce in Kuwait. This escalation will not serve the relationship between Kuwait and the Philippines.”

Sa pagdalo ng ministro sa joint news conference kasama si US Secretary of State Rex Tillerson, iginiit nito ang kanila umanong naging high-level explanation sa Pilipinas ukol sa lagay ng mga OFW sa kanilang teritoryo.

Ipinunto rin ni Sheikh Sabah na hindi makakatulong ang hakbang ng pangulo para sa halos 200,000 Pilipinong namumuhay umano ng maayos doon, bagamat aminado rin itong hindi naiiwasan ang mga insidente ng pang-aabuso at pangmamaltrato.

Dumipensa rin ito at sinabing nakikipagtulungan naman sila sa imbestigasyon, patikular na sa kaso ng Pilipinang natagpuan ang bangkay sa loob ng freezer.

Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na dapat tinatrato ng disente at may dignidad ang mga overseas Filipino workers.
Ayon kay Pangulong Duterte, kaya hindi na maaaring magpadala ng mga OFWs sa Kuwait dahil mistulang ipinapapatay sa mga mapang-abusong employer.

Kagabi humarap ang Presidente sa mga dumating na 116 OFWs na kanyang sinalubong sa NAIA Terminal 1 mula sa Kuwait.

Nitong nakalipas na Lunes nang lagdaan ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang administrative order na nag-uutos sa deployment ban ng mga Pilipino sa Kuwait, alinsunod sa direktiba ng Pangulo.

Source link

Post Comments