Kuwaiti gov’t nalungkot sa total deployment ban, naintindihan si Duterte – Phl envoy

     2 months ago
31
Leave a Comment
13 SHARE

BACOLOD CITY – Ikinalungkot umano ng Kuwaiti government ang pagpapatupad ng total deployment ban sa kanilang bansa, ngunit naiintindihan naman umano nila ang naging reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa, ayon sa kanyang pakikipag-usap sa ilang Kuwaiti officials, malungkot umano sila dahil sa tuluyang pinatupad na ang total deployment ban ng OFWs sa kanilang bansa.

Ganunpaman, umaasa pa rin daw sila na maayos pa ang relasyon nila sa Pilipinas.

Pinaabot din ang kanilang pang-unawa sa naging reaction ni Pangulong Duterte dahil proteksyon naman daw ng mga Pilipino ang iniisip nito.

“Meron akong ilang nakausap na, of course ang sabi nila nalulungkot sila but they are hoping na sana may pag-asa pa na ma repair yong ating relations. Ngunit sinasabi din nila na naiintindihan raw naman nila kung bakit naging ganun ang naging reaction ni President Duterte, ang kanyang ano lang ay gusto niyang masiguro na may protection ang ating mga kababayan dito sa Kuwait.” pahayag pa ni Ambassador Villa.

Dagdag pa ni Villa, sa ngayon ay nasa 3,000 na ang nagparehistro para sa repatriation, habang nagpapaantala pa rin sa pag-uwi ng mga Pilipino ay ang immigration clearances.

Aniya, nasa 1,600 pa lang umano ang kasalukuyang nakalusot na sa Immigration at pwede na nilang ma-book pauwi ng Pilipinas.

Sinabi rin ng opisyal na pumunta sila kahapon sa Criminal Evidence Department at nakipag-usap sila mismo sa forensic doctor tungkol sa autopsy ng labi ni Joanna Dimafelis.

Nagkaroon umano si Dimafelis ng ng broken ribs, internal bleeding, maraming pasa at trauma sa katawan na ibig sabihin daw ay hindi lang isang beses na nabugbog si Joanna.

Sa ngayon, inaasikaso na raw ng embahada ang repatriation ng labi pauwi sa Iloilo.

”Kahapon ay pumunta kami doon sa Criminal Evidence Department, naka-usap namin mismo ang forensic doctor. At nabanggit na tapos na yong autopsy niya para malaman nga ang sanhi nga ng kanyang pagkamatay. At na kompirma nila na ang sanhi nga ay meron siyang broken ribs, internal bleeding, at maraming contusion at trauma sa katawan at ang ibig sabihin rin daw ay hindi lamang isang beses siyang na bugbog or sinaktan. So dahil tapos na ay amin ng tinatrabaho yong pag-uuwi ng kanyang mga labi sa Iloilo.” dagdag ni Villa.

Source link

Post Comments