Kuwaiti gov’t, pursigido rin para sa hustisya kay Demafelis – DFA

     7 months ago
26
Leave a Comment
9 SHARE

Tiniyak umano ng Kuwaiti government na gagawin nila ang lahat para mahabol at mapanagot ang mga pumatay kay Joanna Demafelis at naglagay sa kanyang bangkay sa loob ng freezer sa loob ng isang taon.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, nagpaabot ng pagkagalit ang Kuwaiti government sa insidente at nais din nilang makamit ang hustisya para sa Pinay domestic helper.

Ayon kay Sec. Cayetano, may bagay lang kasi na pinag-usapan nila ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Alhwaikh na hindi maaaring isapubliko dahil baka makaapekto sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Inihayag din ni Cayetano na talagang gusto raw ng Kuwaiti government ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang bansa at patunay raw na nasa tatlo hanggang limang porsyento lamang ng mga OFWs ang nakararanas ng pagkakamaltrato.

Kaya nais daw nilang pumunta doon si Pangulong Duterte para makita ang kalagayan ng mayorya ng mga OFWs na maayos na tinatrato at inalagaan ng kanilang mga employer.

Pero iginiit daw ni Cayetano na kahit pa 98 percent ng mga OFWs ang maayos na natatrato sa Kuwait, hindi sila papayag na may isa o dalawang porsyentong naaabuso kaya kailangan ang commitment ng Kuwaiti authorities para magpatupad ng reporma.

Source link

Post Comments