KZ Tandingan, Top 4 sa latest episode ng ‘Singer 2018’

     5 months ago
138
Leave a Comment
18 SHARE

Magpapatuloy pa ang journey ni KZ Tandigan sa top rating singing competition na ‘Singer 2018’ sa China.

Nasa ikaapat na pwesto sa kabuuang walong contestants ang Kapamilya singer sa naganap na audience voting.

Makabagbag-damdamin ang naging pag-awit ng singer sa kantang ‘Say Something’.

googletag.cmd.push(function() { googletag.display(‘div-gpt-ad-101403638493506944-4’); });

Nagulat naman anya siya sa naging pagtanggap ng audience sa kanyang naging performance.

Anya, mas maingay at mas kapansin-pansin ang reaksyon ng Chinese Audience sa naging pag-awit niya ng medley ng Mandarin songs noong nakaraang linggo kaysa sa performance niya kagabi.

Sumagi rin sa isip ni Tandingan na baka maging mas mababa pa sa rank 6 ang kanyang ranking.

Ito na ang ikatlong performance ni KZ sa kompetisyon na mayroon ng pitong episodes.

Siya at ang UK Pop Superstar na si Jessie J pa lamang ang mga foreigners na kalahok sa kompetisyon na pawang kinabibilangan ng mga artista sa China, Taiwan at Hong Kong.

The post KZ Tandingan, Top 4 sa latest episode ng ‘Singer 2018’ appeared first on DZIQ Radyo Inquirer 990AM.

Source link

18 SHARE

Post Comments