Labi ng Pinay na nasawi sa Taiwan quake, natagpuan na

     7 months ago
22
Leave a Comment
4 SHARE

ILOILO CITY – Natagpuan na ang labi ng Filipina na nasawi sa magnitude 6.4 na lindol sa lungsod ng Hualien sa Taiwan.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo Iloilo ni Loida Florgein Hu, ang presidente ng Filipino community sa Hualien.

Ayon kay Hu, nitong hapon lang nang kinumpirma ng mga rescuers sa Taiwan na na-retrieve na ang labi ni Melody Albano Castro ng Abulug, Cagayan.

Kaagad din aniyang ipinakita sa mga balita sa telebisyon sa Taiwan ang pagkakatagpo sa labi ng Pinay worker.

Sinabi ni Hu na nasa ika-pitong palapag ng Marshal Hotel na-trap si Castro.

Nasa hotel daw ito nang tumama ang lindol dahil ang amo nito ay nagtatrabaho sa nasabing hotel.

Na-rescue naman ang mga amo ni Castro ngunit ang Pinay ay naiwan dahil sa bahagi ng silid kung naroon ito may bumagsak kaya hindi ito nakalabas.

Kaugnay nito, kinumpirma na rin ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) ang naturang ulat.

Source link

Post Comments