Labor market ng China bubuksan para sa OFWs – DOLE chief

     6 months ago
14
Leave a Comment
5 SHARE

Nakatakdang lalagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at China ang isang kasunduan para makapagtrabago ang overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Ginawa ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pahayag kasunod ng anunsyo ni Pangulong Duterte ng pagpapairal ng total deployment ban sa bansang Kuwait.

Sinabi ni Sec. Bello, layunin ng bilateral agreement na bubuksan ng China ang kanilang labor market para makapagtrabaho doon ang mga Filipino workers.

Ayon kay Bello, dapat sa sidelines pa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit noong Nobyembre lalagdaan ang kasunduan pero humingi ng pagkakataon ang China para ito ay mapag-aralan.

Una ng inihayag ni Bello sa panayam ng Bombo Radyo na sisimulan na ang proseso ng voluntary repatriation sa mga OFWs matapos ideklara ni Pangulong Duterte ang pagbabawal ng pagpapadala ng Filipino workers sa Kuwait.

Source link

Post Comments